The Cost of Chemotherapy in the Philippines: Ano ang Dapat Mong Malaman?
Source Ang cancer diagnosis ay hindi lang physical at emotional na laban; may financial battle din na kailangang harapin. Isa sa pinakamalaking gastos na kaakibat nito ay ang chemotherapy , na kilala bilang isa sa mga pangunahing treatments laban sa cancer. Kaya naman pag-usapan natin: magkano nga ba ang chemotherapy sa Pilipinas, at posible bang makakuha ng libre o mas abot-kayang options? What is Chemotherapy? Ang chemotherapy ay isang cancer treatment na gumagamit ng matatapang na gamot para pigilin o pabagalin ang pagdami ng cancer cells sa katawan. Karaniwan itong ginagamit para paliitin ang tumor bago ang surgery o radiation, o para pigilan ang pagkalat ng cancer sa ibang bahagi ng katawan. Depende sa klase ng cancer at treatment plan, maaaring intravenously o oral (pills) ang pagbibigay nito, at usually may schedule o cycle na sinusunod. Magkano ang Chemotherapy sa Pilipinas? Ang gastos sa chemotherapy ay depende sa maraming factors gaya ng uri ng cancer, stage, uri ng gamot,...